clahthebest asked: mag update ka na po! plssssssssss
posted. enjoy the read! :)
clahthebest asked: mag update ka na po! plssssssssss
posted. enjoy the read! :)
Kapag tumitig na sa kanya si Moses, hindi na siya makagalaw, sandali niyang nakakalimutan na isang pagkakamali ang ginagawa nila, ang halik nito ang nagsasabi sa kanya na magiging tama din ang lahat, sumasabog ang puso niya.
Ang saya nilang dalawa, para silang sandaling nakatakas sa realidad. Pakiramdam nila, nasa ibang mundo sila, yung mundo na umaayon sa kanila, mundong walang pipigil sa pagmamahalan nila.
Isang ngiti lang ang sinagot niya sa tanong sa kanya ni Moses, ngiting nahihiya. Sa pagkakataong ito, natalo na siya ng damdamin niya, hindi niya na pwedeng ipagkaila pa dito na nakalimutan niya na ang nangyari sa kanila, na hindi niya ito mahal. Nanatili naman itong nakatitig lang sa kanya.
“If I can stay here forever and if I can always stare at your face just this close…”
“But you can’t.” Putol niya sa pagsasalita ni Moses, sumeryoso ang mukha nito at inayos ang pagkakaupo.
“Aayusin ko ‘to Anne. Ipagpapatuloy ko yung sinimulan natin, tandaan mo ‘yan.” Saka siya muling tumitig kay Anne saka biglang tumayo at humalik sa noo nito. “Lalo pa ngayon na sigurado na kong mahal mo din ako.” Bulong niya dito at nagulat naman ito sa ginawa niya saka siya tuluyang umalis at naiwan naman itong tulala.
Ngayong napatunayan na niyang mahal siya ni Anne ay handa na siya, handa na siyang harapin ang mga bagay na maaaring mangyari kapag ito ang pinili niya. Ang ngiti nito ang naging lakas niya at may dahilan na siya ngayon para lumaban at para maging matapang.
“Where are you?” Tanong sa kanya ni Cindy sa kabilang linya.
“I’m on a meeting pa e.”
“We need to talk, as in right now.”
“Nasa meeting nga ako. Later na lang bessy, okay? Bye.”
“Badtrip!” Sambit ni Cindy sa sarili nang babaan siya ni Lauren.
Nagkaroon siya ng pag-asa sa sinabi sa kanya ni Moses. Gusto niya ng magpakatotoo, kay Sam, kay Lauren, kay Moses at lalo na sa sarili niya pero hindi niya alam kung pano niya sisimulan, may takot pa rin sa puso niya.
“Dati si Sam ang nilandi mo, ngayon naman si Moses? Pati ba naman boyfriend ng kapatid mo Anne?” Galit na sabi sa kanya ni Cindy pagkapasok pa lang nito sa loob ng opisina. Nagulat siya pero pinilit niyang maging casual.
“Nasa office niya si Lauren…” Tinawanan siya nito, tawang pang-asar.
“Ang kapal ng mukha mo!” Hindi na siya nakatiis kaya tumayo na siya’t hinarap si Cindy.
“Ano bang problema mo? Mga bata pa lang tayo ganyan ka na sakin. Wala akong ginagawang masama sa’yo Cindy kaya pwede ba tigilan mo ko!”
“Ikaw ang laging magaling sa paningin ni Ms. Lucy, ikaw ang lagi niyang napapansin at pati ang lalaking gusto ko, ikaw ang gusto, sa’yo napunta, tapos sasabihin mo sakin ngayon na wala kang ginagawang masama?”
“Dahil wala naman talaga. Alam mo hindi ko na kasalanan kung ako ang gusto ni Sam at kung ako ang laging napapansin ni Ms. Lucy. Bakit kailangang sakin mo isisi yung mga bagay na hindi mo makuha?”
“Kasi nga kinukuha mo lahat! Sakim ka Anne! Malandi ka. Lahat gusto mong makuha!” Gusto niya na namang maiyak sa lahat ng pinagsasasabi nito sa kanya ngunit nagpakatatag siya, kailangan niya ng lumaban ngayon.
“Alam mo? Nakakaawa ka. Alam mo kung bakit? Kasi hanggang ngayon punong-puno ka pa rin ng inggit diyan sa katawan mo. Nabihisan ka nga ng magagandang damit, nakapag-aral ka sa magandang eskwelahan, ang bango mong tignan pero yung ugali mo ganon pa rin, mabaho at masama pa rin ang amoy.” Isa namang malakas na sampal ang natamo niya mula kay Cindy matapos niyang sabihin ang lahat ng yun.
“Cindy!” Kitang-kita naman ni Lauren ang ginawa ng best friend niya kay Anne. Lumapit siya sa mga ito. “Bakit mo sinampal si Anne?
“Bes hindi mo alam kung anong ginawa sa’yo ng babaeng yan!”
“Stop it! Alam mo hindi ko alam kung anong kasalanan sa’yo ni Anne e. Bakit ka ba nagkakaganyan ha?” Sigaw niya kay Cindy.
“Kakampihan mo pa siya?”
“Of course! She’s my sister, ikaw na nga nanampal, ikaw pa galit diyan?”
“Well, kapag nalaman mo yung nakita ko, ewan ko na lang kung kampihan mo pa yang kapatid mo sa labas.” Napailing na lang si Lauren at kinabahan naman si Anne kasabay ng pag-alis niya ng kamay niya sa pisnging sinampal ni Cindy, naalala niyang bigla ang nangyari sa kanila ni Moses nung isang araw.
“Say sorry to her.”
“No way!” Sigaw ni Cindy.
“Say sorry to her!” Isa-isang sinabi ni Lauren ang mga salitang yun, pasigaw.
“Kahit magalit ka pa sakin, never akong magsosorry sa babaeng yan. May kailangan akong sabihin sa’yo.” Bago siya umalis ay binigyan niya muna ng masamang tingin si Anne saka siya dumiretso sa opisina ni Lauren.
“Sis, ako na magsosorry sa ginawa ni Cindy ha. Believe me, hindi ganon kasama ugali niya. Hindi ko nga alam kung bakit ganon na lang siya kagalit sa’yo e.” Sabi ni Lauren nang makaalis na si Cindy.
“Okay lang.” Hinawakan niya ang kamay ni Lauren. “Sis, can I ask a favor?”
“Sure. Kahit pambawi man lang sa ginawa sa’yo ni Cinds.”
“Kung anuman yung sasabihin niya sa’yo, kung tungkol man sakin yun, sana hayaan mo kong mag-explain.”
“Oo naman. That’s what’s sisters are for, di ba? Promise, ikaw pa rin ang paniniwalaan ko.” Napangiti naman siya sa narinig.
“Thanks Lo.” Saka niya ito niyakap.
Napakabait sa kanya ni Lauren dahilan para labis siyang makonsensya at mainis sa sarili sa mga nagagawa niya dito. Hindi niya na alam kung anong gagawin niya, ayaw niyang masira ang tinginan nilang magkapatid.
“Hindi ako makapaniwalang magagawa mo yun kay Anne, Cinds.” Bungad niya dito saka siya umupo sa harap nito.
“Kailan mo lang nakilala yung babaeng yun tapos kung magtiwala ka sakanya, ganon-ganon na lang? Nagagalit ka sakin ng ganyan kahit na mas matagal mo na kong kilala?”
“May pangalan siya, okay? And that’s Anne!”
“I don’t care!”
“Ano ba kasing problema mo?” Saka nilabas ni Cindy ang cellphone niya, may sandali siyang hinanap dito at nang ito’y mahanap, nilapag niya ito sa harap ni Lauren.
“This!”
“Ano yan?”
“Why don’t you play it?”
Unti-unting nadudurog ang puso niya habang pinapanood niya ang video kung saan hinahalikan ni Moses si Anne. Naluha siya, labis siyang nasasaktan at hindi siya makapaniwalang magagawa siyang lokohin ng dalawang taong napakahalaga sa buhay niya, ni hindi niya alam kung panong nangyari ang bagay na yun.
I need to talk to you now. Where are you?
Kinutuban si Lauren sa text na yun ni Moses. Muli siyang napaluha ngunit kailangan niyang ipakita dito na wala siyang alam.
Nakipagkita siya dito sa restaurant kung san ito nagpropose sa kanya, pinilit niyang magtago, na maging masaya kahit sa loob niya, ang sakit-sakit na.
“Babe!” Masayang bati niya dito saka siya hahalik dapat sa labi nito ngunit iniwas ni Moses ang mukha niya. Tumayo ito at hinila ang uupuan niya, dun niya naman napatunayan na wala na nga itong nararamdaman para sa kanya, iba na ang tingin nito sa kanya.
“Lo…”
“Napansin ko lately, hindi mo na ko tinatawag sa usual na tawagan natin. Actually, matagal ko ng napansin yun pero hindi ko na lang sinasabi.”
“That’s the reason why I need to talk to you. Lo, let’s stop…” Naputol ang pagsasalita niya ng makita niyang papalapit sina Anne at Sam sa lamesa nila.
Kung meron mang lubos na nagulat sa tagpong yun, yun ay sina Moses at Anne. Nagsama-sama sila sa isang lamesa, sa mismong restaurant kung san unang umikot ang storya nila.
“Sis, akala ko si Mama ang kasama natin?”
“Surprise! Naisip ko lang na masaya kapag nagdouble date tayo, di ba?” Pinilit na lang na ngumiti ni Anne habang si Moses naman ay titig na titig sa kanya.
Habang pinagmamasdan ni Lauren ang dalawa ay napaisip siya, bakit ba hindi niya napansin ito dati pa. Labis siyang nasasaktan habang nakikita niya ang dalawa na lihim na sumusulyap sa isa’t-isa.
“Akala ko hindi ka kumakain ng hipon?” Biglang tanong ni Moses kay Anne nang ibigay ni Sam dito ang isang plato na may hipon. Napangiti si Sam sa tanong niya at ito ang sumagot.
“Favorite niya yan. Actually, hindi talaga siya kumakain ng hipon kapag may balat pa. Kailangan mo munang tanggalin yun for her bago niya kainin. Weird no?”
“Yea. Siya lang talaga yung kilala kong weird kumain.” Ngiting-ngiti si Moses.
“Babe, kung magsalita ka parang kilalang-kilala mo na si Anne ha.”
“No. Madami ka pang hindi alam sakin kaya ‘wag kang magsalita as if you know me that much.” Seryosong sabi ni Anne habang sa pagkain lang ang tingin niya at napayuko naman si Moses.
“Anyway babe, kwento ka naman.” Pagtukoy ni Lauren kay Moses na napatingin sa sinabi niya.
“Ano namang kukuwento ko?” Hindi kumportable si Moses sa kalagayan nilang apat.
“How you guys met each other?” Sarkastikong sagot ni Lauren.
Magkatabi sina Sam at Anne, gayon din sina Lauren at Moses. Magkatapat naman sina Anne at Moses na labis ng naiilang sa sitwasyon nila. Pareho silang hindi makatingin ng diretso sa isa’t-isa.
“We met because of the accident. Nasabi ko na yun sa’yo di ba? Nadamay din sila dun.”
“Then?” Nakikinig lang sina Sam at Anne sa pag-uusap ng dalawa.
“We became…” Nag-alinlangan si Moses na ituloy ang sasabihin, napatingin siya kay Anne na napatingin na din sa kanya. “Friends.” Lihim na nasasaktan si Lauren.
“Sabi ni Anne naligo daw kayo sa ulan.”
“What?” Nagulat si Lauren sa sinabi ni Sam.
“Yea. Nakuwento mo pala yun sa kanya?” Nakangiting tanong ni Moses kay Anne, naiinis na ito sa pagiging pa-cool niya.
“Wala naman siyang tinatago sakin e. Basta first time experience, kinukwento niya. Nagselos nga ko nun e. Pero ano pang magagawa ko di ba? Nangyari na yun at tulog naman ako nung ginawa niyo yun.” Si Sam ang sumagot para kay Anne, sagot niyang hindi niya nararamdaman ang kanina pang tensyon sa pagitan ng tatlong kasama niya, wala siyang kamalay-malay.
“So, habang bulag pala ko at comatose si Sam, you guys are having fun?” Sarkastiko pa rin ang boses ni Lauren pero pinipilit niyang ngumiti para hindi mahalata ng tatlo ang hinanakit niya. Nagkatinginan namang muli ang dalawa.
“No sis. Nagkataon lang na…” Taranta si Anne.
“Sis, save that! Hindi mo pa naman kailangang mag-explain e.”
Hindi nakakain ng maayos si Anne, ramdam na ramdam niyang ibang Lauren ang kasama niya, kinutuban siya. Matapos kumain ay nagpasya na siyang mauna na silang umuwi ni Sam. Nanatili namang nakaupo lang sina Lauren at Moses sa loob ng reataurant pero hindi nag-uusap.
“Sam.” Mahinang sambit niya dito habang naglalakad na sila pauwi.
“Uhm?”
“Pwede tayong dumaan sa swing?” Napangiti ito.
“Basta ikaw.” Saka nito hinawakan ang kamay niya. Kapag ginagawa sa kanya yun ni Sam, nakokonsensiya siya. Hindi niya lubos maisip kung pano niya nagawa ang isang pagkakamali dito lalo na ang magsinungaling ng mahabang panahon.
Matagal na katahimikan ang namagitan sa kanila nang makarating sila sa swing. Hindi na katulad ng dati, mabigat na silang tignan ngayon.
“Bakit ayaw mo pang magpakasal?” Napalingon siya sa tanong ni Sam at bigla na ring nawala sa isip niya ang isang masayang ala-ala, isang ala-ala na hindi ito ang kasama niya. “Hindi ka pa rin ba handa? Lumalaki na si Elmo. Hanggang kailan mo siya itatago, Anne?” Hindi pa rin ito umimik sa kanya. “Hindi na kita maintindihan. Sa totoo lang pinipilit kong intindihin ka e pero ni isang dahilan mo, kahit anong pilit ko, hindi ko talaga maintindihan.”
“Gano mo ko kamahal?”
“Iibahin mo na naman ba yung usapan?”
“Gano mo ko kamahal?” Tumitig siya sa mga mata ni Sam.
“Ano bang tanong yan?” Umiwas si Sam sa tingin na yun ngunit nanatili lang itong nakatingin sa kanya.
“Sagutin mo na lang, please?” Tumayo si Sam at lumuhod siya sa harap ni Anne.
“Mahal kita. Sobrang mahal na mahal kita. Tipong kahit magkamali ka pa, kahit bigyan mo pa ko ng dahilan para iwan ka, mamahalin pa rin kita. Ganon kita kamahal Anne. Kaya kong tanggapin lahat, makasama lang kita habambuhay.” Naluha si Anne saka niya niyakap si Sam. “Why are you crying?” Saka siya humiwalay sa yakap ni Anne, pinunasan niya ang mga luha nito. “You know I hate to see you crying.” Saka siya ngumiti dito ngunit patuloy lang ito sa pagluha. Hindi na siya makatingin ng matagal kay Sam, gulong-gulo na siya, hindi niya na alam kung ano ba dapat ang gawin niya.
Final rehearsal na nila Lauren at Anne para sa nalalapit na Ballet District Competition. Sa dalawampung estudyante ni Lisette ay silang dalawa ang natira sa pagitan ng mga elimination rounds.
“Kailan ka pa naging masokista?” Inis na sabi ni Cindy kay Lauren habang nasa dulo sila ng studio at nakatingin kina Moses at Anne na nag-uusap.
“Kahit kailan hindi ko nakita kay Moses yung ngiti niyang yan kapag ako ang kasama niya. Kay Anne lang bes, kay Anne lang siya naging masaya ng ganyan.” Sa dalawa pa rin siya nakatingin habang sinasabi ang mga yun, napailing naman si Cindy.
“Hello! Ikaw ang girlfriend. Ikaw dapat ang kasama ni Moses!” Yumuko lang ang kaibigan. “Sabi ko naman sa’yo di ba? Hindi ka dapat basta nagtitiwala sa babaeng yan!”
“Kung si Anne na ang mahal niya, bakit hindi niya pa ko iniiwan? Bakit kailangan niya pang magsinungaling sakin ng ganito katagal?”
“So, hihintayin mo pa na iwan ka ni Moses bago ka gumawa ng move? Alam mo bes, hindi na uso ang bait-baitan ngayon!” Napaisip si Lauren.
May inabot sa kanya si Moses kaya siya nilapitan nito. Nailang siya sa ginawa nito lalo pa’t nasa paligid lang sina Lauren at Cindy pero wala na naman siyang nagawa, nadala na naman siya ng mga ngiti nito.
“Sabi mo sakin dati, with the right words and inspiration lang, makakagawa rin ako ng kanta di ba?” Tinignan lang ni Anne ang papel na binigay sa kanya nito. “Nakagawa ako!” Ngiting-ngiti ito sa kanya. “Because you’re my inspiration and our memories were my right words, kaso malungkot yan e. Nagawa ko kasi yan nung mga panahon na hinahanap kita.” Kung makapagsalita si Moses, parang sila lang yung tao sa paligid, parang walang nakakakita sa kanila’t tama ang ginagawa nilang pag-uusap para sa mata ng mga taong nakapaligid sa kanila. “Pwede mo bang gawan ng melody?” Nakatitig lang ito sa kanya.
“Sweetie, inom ka muna.” Saka inabot ni Sam ang isang bote ng tubig kay Anne, galing ito sa labas para bilhin ito. Sa pagdating niya’y agad namang tinago ni Anne sa likod ang papel na hawak. Nakaramdam naman si Moses sa pagdating ni Sam at dahil na rin sa tingin sa kanya ni Anne na parang sinasabi nito sa kanya na umalis na siya ay natinag na rin siya.
“Sige, puntahan ko lang si Lauren.” Saka siya tuluyang umalis.
“Parang may kakaiba sa lalaking yun.” Nabahala si Anne sa sinabi ni Sam.
“H-ha? Anong ibig mong sabihin?”
“Di mo ba nahalata? Nandito yung girlfriend niya, tapos ikaw yung kinakausap.”
“Wag mo kasing lagyan ng malisya yung pag-uusap namin.” Saka siya umalis sa harap ni Sam at inayos ang gamit.
“May mali ba sa sinabi ko?”
“Wala.” Sagot niya ng hindi nakatingin dito at patuloy lang sa ginagawa. “Umuwi na tayo.”
Matapos magpaalam kina Lauren at Lisette ay tuluyan na silang umalis. Hindi siya umiimik kay Sam habang sila’y nasa daan at sumusunod lang naman ito sa kanya, nalilito sa ikinikilos niya.
“Sis.” Nakita niya si Lauren na mag-isa sa garden kaya nilapitan niya ito. Hindi siya nilingon nito kaya tinabihan na lang niya. “Hindi ka makatulog?” Hiwalay na sila ng kuwarto ngayon at matapos din ang paghaharap nilang apat sa restaurant ay hindi na siya kinakausap nito katulad ng dati, malaki na talaga ang pinagbago nito. Nakatingin lang ito ng diretso at hindi siya pinapansin pero pinili niya pa ring magsalita. “Malapit na yung competition. I’m sure ikaw ulit mag-chachampion dun.” Patay-malisya lang siya sa hindi pagpansin nito sa kanya saka siya tumahimik at dun naman biglang nagsalita si Lauren.
“Simula ng makakita ulit ako, marami ng nagbago. Simula nung idilat ko yung mga mata ko at nakita ko si Moses, akala ko siya pa rin yun, akala ko walang nagbago, akala ko siya pa rin yung lalaking mahal ko at mahal ako. Hindi ko na maramdaman yung dati.” Nagsimula na siyang maluha. “Nakakatawa no? Lahat kasi kaya kong sabihin sa’yo. Bakit kasi hindi ko kayang magtago sa’yo? Pero ikaw kahit kailan hindi ka nagkwento sakin, kahit kailan hindi ka nagsabi sakin ng kahit ano. Nakakainis. Naiinis ako sa sarili ko kasi ganito ako sa’yo.”
“Sorry. Sorry kung magaling akong magtago. Sorry kung hindi ko kayang sabihin sa’yo lahat. Sorry kung…”
“Pwede mo ng sabihin sakin ngayon.” Gusto niyang kay Anne mismo manggaling ang namamagitan sa kanila ni Moses. Kaya kahit gustong-gusto niya ng tanungin ito ay pinipigilan niya ang sarili, gusto niyang bigyan ito ng pagkakataon na ito mismo ang magpaliwanag sa kanya.
“Lo, lahat may tamang panahon. Gusto kong malaman mo na lahat ng bagay may dahilan. Sana maintindihan mo na hindi pa ito yung tamang oras para…” Biglang tumayo si Lauren dahilan para mapatigil siya sa pagsasalita.
“Kailan ba yung tamang oras para sa’yo? Kapag huli na? Kapag magulo na? Now that I’m giving you the chance, bakit ayaw mo pa?” Napalitan ng galit ang boses nito. Lalakad na siya kaya hinawakan ni Anne ang mga kamay niya.
“Sis, I’m sorry.” Tinanggal lang ni Lauren ang kamay niya at tuluyan na itong lumakad papalayo.
Gusto niya ng sabihin kay Lauren ang lahat pero hindi niya kaya, hindi niya alam kung panong magsisimula, naiinis siya sa sarili niya.
“Bakit ka biglang nagyaya dito?” Si Moses matapos nilang maupo sa swing.
“Ayaw mo na ba dito?”
“Hindi naman.” Mabilis niyang sagot.
“Dati kapag niyayaya kita dito, sobrang excited mo tapos ngayon parang kulang na lang tanggihan mo ko e.” Hindi umimik sa kanya si Moses at matagal na katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. Iniisip ni Moses kung tatapusin na ba niya ang relasyon nila ni Lauren, mahirap para sa kanya ito dahil matagal din ang pinagsamahan nila, minahal niya rin ito at lalong ayaw niya itong masaktan. Katulad ng gusto niyang aminin ni Anne sa kanya ay yun din ang gusto niyang aminin ni Moses, ayaw niya ring tanungin ito, gusto niyang ito mismo ang magsabi ng tungkol dun at yun naman ang iniisip ni Lauren, parehas lang silang naghihintayan. “Sabi mo sakin, ako na ang babaeng gusto mong makasama habang buhay. Sabi mo, you will love me forever and I used to believe that. Actually, hanggang ngayon gusto ko pa ring maniwala dun. Moe, tell me, nagbago na ba yun?” Tinignan na siya nito, mata sa mata.
“What if sabihin kong oo, nagbago na yun.” Pinilit niyang ngumiti kahit alam niyang hindi ito nagbibiro.
“You’re kidding, right?” Tumawa siya pero pumapatak ang mga luiha niya. “Kailan ba tayo magpapakasal? I’m sure naiinip ka lang kaya mo nasabi yan, di ba?” Saka siya muling tumingin kay Moses at saka nito hinawakan ang kamay niya.
“Lo, let’s stop this.” Hindi niya kayang marinig ang sasabihin nito pero pinilit niyang maging mahinahon.
“Is it someone else? Si Anne ba?”
“Yes, it’s her.” Diretsong sagot niya. “I’m tired of hiding and saying lies to you, so I guess it’s time for me to be man enough to tell you everything. Everything that I used to hide for myself, to you. Nagsinungaling ako sa’yo nung sinabi kong kaibigan lang ang tingin ko sa kanya. Pero yung totoo? I’m truly, deeply and crazy in love with her. Matagal kong tinago kasi akala ko mababalik ko pa yun pagmamahal ko para sa’yo pero hindi e. Believe it or not, I tried as I can but I can’t. Habang binabalik ko, lalo lang sinisigaw ng puso ko na hindi na ikaw yung laman nito.”
“Bakit Moe? Bakit mo ko kailangang saktan ng ganito? Bakit si Anne pa? Bakit yung kapatid ko pa?”
“Because she lifted me up when you let me down.” Nakatingin siya kay Lauren habang sinasambit ang mga salitang yun at kitang-kita niya ang pagluha nito.
Time really flies when you’re having fun. Sino bang mag-aakala na ang TANDEM na inEXPERIMENT lang…

E magiging PHENOMENAL LOVE TEAM…

JULIELMO. The TRENDING MACHINE, the COOLEST yet the HOTTEST, the BEST SELLING, the MULTI-AWARDED, the HIGHEST EARNING and the MOST INFLUENTIAL LOVETEAM.
It just happened. And now they are TOGETHER AT THE TOP like a PYRAMID…

They end up saying, I LOVE YOU… #hopia

Nagsimula sa Red Mask…

At nagpatuloy sa Wazak…

Ganito lang sila pag rehearsal dati…

Ngayon ganito na…

Yung “sabi ko sa’yo kumapit ka.”

Kaya pala laging ALL OF THE LIGHTS ang peg nila sa mga mallshows. E dun pala naganap ang first LQ. Ansabe? UmeLQ! Chos hahaha!
Closeness is the tendency that we fall in love to somebody. This is based on the reality that even friends turn to lovers unexpectedly.
JA’s interview on PMag’s May issue:
How close are you and Elmo?
“Siguro close (laughs)… Close as friends.”
Moe’s Magnolia interview:
“Close naman kami ni Julie e.”
E gano ba kaclose? Ganito ba?

Alam na! ;)
May mag-kaibigan bang demanding at matampuhin? Ay close friends nga pala! :”“”>
Yung prod na “SCRIPT BEYOND LIMITS”

Kaya pala wagas ang kilig ko nun! But! Other half of my mind says, kailangan nilang gawin yun kasi may movie sila. “For promotion” as they say. Pero kiber! After ng JOS at kapag ganito pa din sila…

Alam na! ;)
It’s like every song reminds me of them. Yung tipong kapag kinanta nila, siguradong LSS ka!
Kahit ano at sino pa ang dumating, JuliElmo lang! Sabi nga sa commercial, HABANG TUMATAGAL, LALONG SUMASARAP.
Kaya ngayon pa ba tayo bibitaw? Kapit lang!

Katulad ng pagkapit nila sa isa’t-isa. :)
Happy JuliElmo at TWO Adiks! Kampaaay!
Being inspired with JuliElmo is one of the simplest and best reason why I find myself smiling without a reason. :D
“Sis, my best friend si Cindy.” Parehas na nagulat ang dalawa at nakatingin lang sila sa isa’t-isa. “Classmates kami nung college and she’s here na for good. Di ba bessy?” Baling ni Lauren kay Cindy na tulala pa rin kay Anne. “Hey!” Mahinang pinalo niya ito sa braso dahil parang hindi siya naririnig nito.
“Di ba only child ka? How come na may kapatid ka na ngayon? And hindi kayo magkamukha.” Takang-taka talaga si Cindy.
“I know. I’ll make kwento later pero alis muna tayo dito. Gutom na ko e.” Nangingiting sagot ni Lauren.
Pagdating nila sa restaurant na malapit lang sa airport ay agad na ring kinuwento ni Lauren kay Cindy ang lahat ng gustong malaman nito. Sobra namang nabigla ang huli sa mga sinabi niya.
Simula ng maampon siya ng mag-asawang Dela Rama ay wala siyang sinabihan na hindi siya tunay na anak ng mga ito. Nagbago talaga ang buhay niya simula nun, namuhay siya ng marangya, lahat ng gusto at layaw niya’y binigay sa kanya ng kinilalang mga magulang. Hindi pa rin siya makapaniwalang muli niyang makikita si Anne, ang babaeng lubos niyang kinaiinggitan dati pa, na kapatid pala ng best friend niya.
“Hindi ka nagalit kay Tita Annabelle?” Tanong niya kay Lauren habang kumakain na sila, tumingin lang naman ito sa kanya. “I mean ang tagal niya kasing tinago, di ba?”
“No. Hindi ako galit kay Mama. Naintindihan ko siya, saka alam mo naman kung gano ko kagustong magkaron ng kapatid, di ba?” Tumango lang siya dito at muli siyang tumingin kay Anne na wala namang imik sa kanila.
Malaki talaga ang pinagbago ni Cindy pero ang tingin nito sa kanya, hindi pa rin nagbabago, ganon pa rin katulad ng dati, may galit.
“Ang liit ng mundo. Akalain mong magkikita ulit tayo.” Sabi sa kanya nito nang maiwan silang dalawa sa lameas dahil umalis sandali si Lauren para pumunta sa rest room. Ngumiti lang naman siya dito. “You know what? Kahit na kapatid ka pa ng best friend ko, I don’t still like you at never kitang magugustuhan!” May diin ang boses nito ngunit hindi niya na lang pinili na patulan pa ito.
Wala siyang imik habang masayang nagkukwentuhan sina Lauren at Cindy. Nakikinig lang siya sa mga ito, paminsan-minsan naman ay sinasali siya ni Lauren sa usapan ngunit mas madaming oras na ang dalawa lang talaga ang nag-uusap.
“Bessy, I don’t like her.” Sabi sa kanya ni Cindy nang sandaling mauna ng pumasok si Anne sa bahay nila. Naiwan naman sila sa garden at napakunot ang noo niya sa sinabi nito. “Wala akong amor sa kanya.”
“Ano ka ba! First impression lang yan.” Nangingiti niyang sagot dito.
“And first impression lasts.”
“I assure you, mabait si Anne and no one hates her. As my best friend, syempre dapat maging close kayo ng kapatid ko.”
“No way!”
“Alam mo, napakajudgemental mo! Get to know her first, bago ka mag-no way diyan. Di mo pa nga nakikilala yung tao e.”
“Basta! Ayoko. Saka next time, ayokong kasama natin siya sa lakad natin ha.” Nagtaka siya sa mga pinagsasasabi nito.
“Bakit ganyan ka sa kanya? Ngayon mo lang nakilala si Anne pero kung makapagsalita ka, parang ang lalim ng galit mo sa kanya e. Tell me, may pinahuhugutan ba ‘yan?”
“Wala!” Sigaw niya kay Lauren pero hindi siya makatingin dito. “It’s just that, I don’t want her to be my friend even to get close with her.”
“Ang mean mo! Nakakainis ka! Ang ganda kasi ng kapatid ko kaya ka naiinsecure diyan.”
“Excuse me?” Pasigaw pa rin niyang sabi at napangiti na lang si Lauren dahil sa pagkainis niya.Napailing na lang siya’t hindi na muling sumagot pa dito.
Bago siya umuwi sa bahay nila ay dumidiretso muna siya sa bahay ni Sam, kinakamusta niya araw-araw ang lagay nito ngunit hindi rin siya nagtatagal dahil ang gusto ni Annabelle ay sa bahay pa rin nila siya lumagi. Malalim na ang gabi nang umuwi siya sa kanila pero nadatnan niya pa si Lauren na mag-isa sa garden kaya lumapit siya’t tinabihan ito. Nagulat naman ito sa biglang pagdating niya.
“Bakit gising ka pa?”
“Di ako makatulog e, wala pa kasi akong katabi. Si mama naman out-of-town pa rin.” Nakangiting sagot sa kanya ni Lauren.
“Tara, tulog na tayo.”
“Later na. Okay lang ba kung dito muna tayo?”
“Oo naman.” Saka siya ngumiti dito.
“Alam mo sis, naiinggit ako sa’yo.” Napalingon siya.
“Ha? Bakit naman?”
“Kasi ang cool mong tignan. Parang wala kang problema. Or should I say, magaling ka lang talagang magtago?” Napangiti siya.
“Even the richest people on earth or the happiest one, may problema. Ako pa kaya?” Napangiti na rin si Lauren.
“Can I share a secret?”
“My pleasure.” Ngumiti muna ulit si Lauren bago tuluyang magsalita.
“Sa totoo lang, ayoko naman talagang patakbuhin yung company e. All I want is to become a professional ballet dancer pero ayaw ni Papa. Gusto niya kasi, iprioritize ko yung company, e ano bang alam ko sa pagawaan ng plastic? Wala akong magawa, sis. I want to be like you, nagagawa mo kung ano yung gusto mo, yung alam mong tama napaninindigan mo, yung nagpapasaya sa’yo.”
“Not all the time.” Napalingon sa kanya si Lauren.
“What do you mean?”
“Syempre minsan kailangan mo munang isipin yung ibang tao bago yung sarili mo. Kailangan mo munang isipin kung masasaktan ba sila kapag ginawa mo yung bagay na magpapasaya sa’yo, kung tama ba yung bagay na gusto mo. Minsan, kailangan mong magparaya, magsakripisyo at magbigay para sa iba kasi yun yung mas makakabuti para sa lahat.”
“Pero sawa na kong gawin yung makakabuti para sa lahat. Hindi ba pwedeng gawin ko naman kung ano yung makakabuti para sakin?”
“Bakit ayaw mong sabihin kay Papa na ayaw mo na?”
“Because I don’t want to disappoint him and I want to be the perfect daughter for him.”
“Pano ka magiging masaya kung gusto mo laging maging perfect? Take risk. Hindi sa lahat ng bagay, kailangan mong maging perfect. Minsan, kailangan din natin ng mistakes o kailangan din nating suwayin yung makakabuti para sa iba to grow, to be a better person and to learn.”
“See. Kaya naiinggit ako sa’yo e kasi ang positive mo. Parang sa lahat ng tanong, may sagot ka.”
“Magaling lang ako sa problema ng iba.” Saka sila sabay na napangiti.
“Tapos sumasabay pa yung sitwasyon namin ni Moses.” Napalingon si Anne.
“May problema kayo?”
“I don’t know if that’s a problem pero para kasing nagbago na siya e. Yung mga actions niya, iba na. Kapag magkasama kami, parang wala din akong kasama kasi hindi niya ko kinakausap. Dati, laging sakin lang yung atensyon niya, pero ngayon parang iba na, parang lagi siyang may iniisip.” Hindi umimik sa kanya si Anne. “Pasensya ka na sis ha, sa’yo ko pa sinasabi ‘tong mga ‘to.”
“Okay lang.” Hindi talaga niya alam kung ano bang dapat na sabihin kay Lauren, para bang lumutang ang isip niya nang marinig ang pangalan ni Moses.
“Sis, thank you for listening ha.”
“Ano ka ba. You can always count on me.” Napangiti naman ito sa sinabi niya.
“I’m really blessed to have you around.”
Habang tumatagal, mas lalong nagiging maganda ang samahan nilang magkapatid. Labis naman itong ikinatuwa ni Annabelle dahil nagkakasundo talaga ang mga anak niya kahit na kailan lang sila nagkakilala.
“Kamusta na siya?” Tanong ni Anne kay Sam habang naglalakad sila papunta sa ballet school dahil may practice ang una at gusto naman siyang samahan ng huli.
“Okay naman. Gusto nga niyang sumama ngayon, umiyak pa nga nung umalis ako.” Nalungkot siya sa narinig. “Pasalubungan na lang natin pag-uwi mamaya, chocolates lang masaya na yun e.” Napangiti na rin siya dahil sa sinabi ni Sam.
“Totoo ba ‘tong nakikita ko?” Pagbibiro ni Moses kay Lisette habang papalapit ito sa kanya. “Ano naman nakain mo at bumisita ka dito?” Nakatingin lang ang anak niya sa malayo matapos itong humalik at yumakap sa kanya. Nang sundan naman niya ang tinitignan nito ay nakita niya si Lauren. “A, kaya naman pala. Good you’re here, kailangan talaga ni Lo ng inspirasyon ngayon, lalo na malapit na yung contest.” Nilingon na siya ng anak at ngumiti lang ito sa kanya. Ang hindi niya alam ay hindi naman si Lauren ang tinitignan nito kundi si Anne na katabi lang ng akala niyang tinitignan nito.
Si Anne naman talaga ang sadya niya sa ballet school ng ina. Walang oras na hindi niya ito ginustong makita kaya labis talaga ang saya niya nang makita niya itong sumasayaw at lalo niya pa itong minahal dahil dito.
“Ang galing niya no?” Nagulat siya nang biglang may magsalita habang napapanganga na siya dahil sa pagsasayaw ni Anne. Lalo siyang nagulat nang nilingon niya ang may-ari ng boses na yun, si Sam.
“Ikaw pala.” Ngumiti lang ito sa kanya saka niya binalik ang tingin kay Anne, nailang siya dito.
“Kaya nga ang swerte ko e. biruin mo, everything a man could ask for a woman, na sa kanya na.” Pagmamayabang ni Sam, hindi naman siya kumportable sa sinabi nito.
“Kaya nga ingatan mo. Ikaw din, baka agawin pa ‘yan sa’yo.” Saka niya binigyan ito ng isang nakakalokong ngiti at umalis na. Naasar naman si Sam sa ikinilos niya.
Habang sumasayaw siya’y nakikita niya na si Moses mula sa malayo na nakatingin sa kanya. Kahit na sobrang bilis ng tibok ng puso niya’y mabuti na lang ay nagawa niya ng maayos ang pagsasayaw.
“Very good girls. Tingin ko, ready na kayo for the upcoming competition. Satin ulit ‘tong taon na ‘to ha. Agree?” Masayang sabi ni Lisette at nakangiting tumango-tango lang naman sa kanya ang mga estudyante niya. “Last year nagchampion si Lauren, let’s make sure na satin ulit manggagaling ang champion ha?”
“Yes!” Sabay-sabay na masayang sumagot ang mga ito sa kanya kabilang sina Lauren at Anne.
Hindi niya alam kung hanggang kailan niya iiwasan si Moses. Hindi rin niya alam kung hanggang kailan siya nito kukulitin. Isa lang ang alam niya, ito ay ang walang sinuman ang dapat na makaalam ng nakaraan nila, ng nangyari sa kanila. Kung pwede lang na lumayo na siya, ginawa niya na pero hindi niya kaya.
Subsob ang ulo niya sa desk dahil sa sobrang dami ng trabaho nang biglang may isang lunch box ang lumapag sa harap niya.
“Fried rice for you.” Pag-angat niya ng ulo niya’y nakita niya si Moses na ngiting-ngiti sa kanya. “Without green peas and carrots. Sinadya ko pa yan sa restaurant na kinainan natin dati.” Hindi niya na napigilan pa ang pagngiti niya at agad naman yung nakita ng kaharap. “Wow! Totoo ba yung nakita ko? Ngumiti ka sakin?”
“No I’m not.” Saka siya tumalikod dito.
“Yes you are.” Pang-aasar nito sa kanya. “Sabi na e. Fried rice lang makakapagpangiti sa’yo. Bakit ba hindi ko yun naisip dati?” Saka niya hinarap si Anne at kitang-kita niya ang ngiti nito sa labi. “Huli ka!” Para siyang batang tuwang-tuwa sa pag-ngiti nito.
“Wala si Lauren. Nasa meeting pa.” Pag-iiba niya sa usapan habang pinipigil pa rin ang labi niya sa pag-ngiti, hindi ito nakikisama sa kanya.
“Okay lang, ikaw naman pinunta ko dito e.” Saka umupo si Moses sa harap ng desk ni Anne. “Ano yang ginagawa mo? Kain ka muna. One thirty na o!” Sabi niya matapos tumingin sa suot na relo.
“Naglunch na ko.” Hindi siya makatingin dito kaya napapangiti na lang si Moses.
“Alam mo kung bakit kahit ilang beses mo pa kong iwasan at talikuran, kahit ilang beses mo pang sabihin sakin na hindi na tayo pwede, e nandito pa rin ako?” Tinignan na siya ni Anne. “Kasi hindi ako naniniwala na hindi mo ko mahal. Alam kong ginagawa mo lang yung mga yun kasi ayaw mong makasakit. Alam kong nahihirapan ka at ako rin, sobra na kong nahihirapan sa sitwasyon natin. But believe me, ayoko ring makasakit pero ayoko na ring masaktan e. Kung ikaw, gustong-gusto mong pinapahirapan yang sarili mo, ako, ayoko ng pahirapan pa yung sarili ko.” Lumapit si Moses kay Anne, sobrang lapit at tinitigan niya ang mga mata nito, matagal, napangiti naman siya ng gumanti ng titig sa kanya si Anne. “Gusto mo bang patunayan ko sa’yo na mahal mo talaga ko?” Nanatili lang itong nakatitig sa kanya, hinawakan niya ang mukha nito na para bang ayaw niya na itong makawala pa at hindi naman ito pumalag sa kanya. Unti-unti niya pang nilapit ang mukha niya sa mukha ni Anne, napapikit ito na para bang hinihintay na lang nito na idampi niya ang labi niya sa labi nito. Bago pa man niya ito halikan ay napangiti na siyang muli dahil napatunayan na niya sa sarili niyang mahal din siya nito. Saka niya tuluyang hinalikan si Anne at tumugon naman ito sa halik niya, mabagal, magaan at punong-puno ng pagmamahal. Nang humiwalay siya’y may ngiti pa rin sa labi niya, ang saya-saya niya at napayuko naman si Anne. “Ngayon mo sabihing hindi mo ko mahal.” Saka sila muling napatitig sa isa’t-isa at parehong nakangiti. Ngiting matagal na nilang ninanais na makita mula sa isa’t-isa, ngiting abot langit.
Hindi nila alam na may lihim na nanonood sa ginagawa nila at kitang-kita nito ang isang pangyayaring hangga’t maaari ay ayaw nilang malaman at makita ng iba.
Anonymous asked: Eh yung nagupdate ka na pala. ang ganda ng FF mo. kahit may lakad ako ngayon...tinapos ko yung 3 chapters haha. gtg late na ako. waaaah. :P
sana hindi ka nalate. haha thaaanks! tc :D
“Welcome to the family!” Bungad sa kanya ni Lauren at ng Papa nito pagbukas pa lang ng pinto ng bahay ng mga Young.
“I’m so happy to finally meet you Anne.” Masayang sabi sa kanya ni James.
“Thank you po.”
“From now on, call me Papa.” Nang marinig yun ay sobrang saya niya, sayang ngayon niya lang naramdaman.
“Salamat po, Papa.” Saka sila sabay-sabay na tumawa.
“I guess this necklace really belongs to you, sis.” Si Lauren saka nito muling sinuot sa kanya ang binigay niyang kuwintas dito. “Welcome to your new home.” Saka siya niyakap nito.
Kasabay niya sa hapag-kainan ngayon ang matatawag niyang pamilya. Masasabi niyang tunay na siyang kumpleto ngayon. Kasama ang tunay na ina, may kapatid at may tumatayong tatay para sa kanya, ang saya niya.
Dahil sa hindi pa nakaayos ang sarili niyang kuwarto ay nagsama muna sila ni Lauren sa kuwarto nito at ito pa mismo ang nag-alok sa kanya nito na labis niyang ikinatuwa.
“Gano na kayo katagal ng boyfriend mo?” Tanong nito sa kanya habang magkatabi silang nakahiga. “Ano nga palang pangalan niya?”
“Sam.”
“Ayun!”
“Magseseven years na din kami.”
“Straight?”
“You mean ba walang break-ups?” Tumango ito sa kanya. “Yea, no break-ups.”
“Wow!”
“E kayo ni Moses?” Parang hindi niya kayang banggitin ang pangalan nito.
“On and off kami e. E kasi naman third year high school pa lang, kami na.” Nagulat si Anne.
“Ganon kaaga?”
“Yea katawa no?” Ngumiti lang ito sa kanya. “I still can’t believe na katabi kita ngayon dito sa kuwarto and I’m talking with you even the fact that you’re my ate.” Pag-iiba niya sa usapan.
“Hindi rin ako makapaniwala e. Sobrang liit ng mundo.”
“Thank you.” Mahinang sambit sa kanya ni Lauren.
“For what?”
“For making Mama sa happy. Kaya pala ganon siya, kaya pala lagi ko siyang nakikitang malungkot saka tulala ‘pag mag-isa siya dati. Lagi niyang reason sakin, may naaalala lang siya and I used to believe that. Yun pala ikaw yung naaalala niya.”
“Thank you din.” Napalingon si Lauren.
“Para san naman?”
“Kasi ikaw yung reason kung bakit ko siya nakilala, kung bakit ako nakita ni Mama.”
“Alam mo dati, gustong-gusto ko na magkaroon ng ate to share my secrets with and to say those things na hindi ko masabi kay Mama like boys stuff. But now, I really have one.” Pareho naman silang napangiti.
Hindi rin nagtagal ay pinalipat na rin siya ni Annabelle sa bahay nila. Pinakilala niya si Sam dito at nalaman na rin ni Ms. Lucy na nakilala niya na ang tunay na ina, nagulat ito nung una ngunit naging masaya na rin ito para sa kanya. Nagsama-sama sila sa isang salo-salo.
“Nagtatalo pa kami ni ate dati, yun pala totoo ang hinala namin.” Si Lisette habang nasa hapag-kainan sila. Sumisimpleng tingin naman si Moses kay Anne.
“Pasensya na kayo ha. Nahiya lang talaga ko. Sa totoo lang, hanggang ngayon nga e.” Sagot ni Annabelle.
“Ang importante magkakilala na kayo ngayon, masaya ko para sa inyo.” Si Ms. Lucy.
“Ay, di ba Anne nagbaballet ka rin? Nabanggit sakin ni ate e.” Pag-iiba sa usapan ni Lisette.
“Dati po.” Mabilis na sagot ni Anne.
“Why don’t you join my ballet school? I’m sure parehas kayo ni Lauren na magaling. Saka para na rin may makasama siya sa mga competition. Di ba Lo?”
“Oo nga. Why not sis? Saka para na rin may thrill naman.” Si Lauren na may halong pagmamalaki.
“Naku! Matagal na po kasi akong walang practice e. Saka…” Nahihiyang sagot ni Anne.
“Don’t make reasons na, ako ang bahala sa’yo.” Muling sagot ni Lisette saka siya muling napangiti.
Nasa bahay sila ng magkapatid, matapos nilang kumain ay dinala siya ni Ms. Lucy sa swing na tinutukoy nito sa kanya dati at dun sila nag-usap ng sila lang.
“Matagal niyo na po palang alam?” Si Anne. Ngumiti muna ito sa kanya bago sumagot.
“Magulo pa kasi dati hija, hindi pa kami sigurado kaya hindi ko muna sinabi sa’yo.”
“Ang lapit lang po pala niya sakin.”
“Buti napatawad mo siya agad.”
“Yun po ang tinuro niyo sakin di ba? Ang maging mainitindihin sa lahat ng bagay.” Ngumiti lang si Ms. Lucy sa kanya. “Kahit nakilala ko na po siya, ikaw pa rin po ang best nanay para sakin. Salamat po sa lahat ng tulong Ms. Lucy.” Saka siya yumakap dito at sa ganong ayos sila nadatnan ni Moses.
“Auntie, tawag ka ni Mama.” Biglang sabi nito dahilan para maghiwalay sila mula sa pagkakayakap.
“Bakit daw?”
“Ewan ko po.” Sagot nito nang hindi makatingin sa kanya.
“Maiwan muna kita dito Anne ha.”
“Sige po.” Mabilis niyang sagot saka siya dumiretso ng tingin, nakatalikod kay Moses. Bago naman tuluyang makaalis si Ms. Lucy ay nilingon niyang muli ang dalawa, napangiti siya.
“Masaya ko para sa’yo because you finally met her.” Nilingon ni Anne si Moses. “Tita Annabelle, your mom and si Lauren, magkapatid pala kayo.”
“Thank you.” Saka muling dumiretso ng tingin si Anne.
“Kahit pag-ngiti, hindi mo na rin maibigay sakin ngayon?” Aalis na si Anne nang harangin niya ang daan nito, hindi pa rin ito nakatingin sa kanya. “Lagi mo na lang akong nilalayuan, tinatalikuran, iniiwasan, bakit ba Anne?” Tumingin na ito sa kanya.
“Bakit ka ba ganyan ha?”
“Kasi mahal kita.” Nakatitig siya sa mga mata nito.
“Pero girlfriend mo si Lauren, yung kapatid ko.”
“Siya ba yung reason kung bakit ka ganyan? Iiwan ko siya, kung yun lang yung way para di mo na ko iwasan, gagawin ko. Ikaw rin naman ha, may boyfriend ka.”
“Kaya nga hindi na tayo pwede.”
“Hindi ako susuko.”
“Ano bang kailangan kong sabihin para tumigil ka na?”
“Wala.” Hindi inaalis ni Moses ang tingin niya kay Anne.
“Five months. Moses, five months mo lang akong nakasama. E si Lauren halos buong buhay mo, kasama mo na siya. Si Sam, matagal ko na siyang kilala.” Dumiretso na ng tingin si Moses, natauhan sa sinabi niya.
“Akala ko nun, siya na yung babaeng mamahalin ko habambuhay. Akala ko hindi ko na kayang magmahal ulit.” Muli siyang humarap kay Anne. “But you came in my life and you changed everything. Anne, sa’yo lang ako sumaya ng ganon at hanggang ngayon, hinahanap pa rin ng puso ko yung sayang yun.”
“Si Lauren ang para sa’yo at si Sam ang para sakin. Yun ang tadhana natin.”
“Pero ikaw ang gusto kong maging tadhana ko. Gagawin ko lahat, kung pwedeng kalabanin ko yang sinasabi mong tadhana, gagawin ko mapasakin ka lang.” Saka sila napatitig sa isa’t-isa na may lungkot sa mga mata.
“Tawag mo daw ako?” Tanong ni Ms. Lucy sa kapatid, nagulat naman ito sa kanya. “Sabi ng anak mo.”
“Hindi kita tinatawag. Mga kalokohan talaga ng pamangkin mo e.” Napailing at napangiti na lang siya sa narinig kasabay ang pagpasok sa utak niya ng isang posibilidad at lihim naman siyang napangiti dahil dun.
Nakakuha naman ng pagkakataon na makausap ni Annabelle si Sam.
“Sabi niya sakin, ikaw ang kasa-kasama niya lagi.” Napangiti si Sam. “Salamat kasi inalagaan mo siya.”
“Wala po yun. Nagdamayan lang naman po kami ni Anne kasi parehas po kami ng sitwasyon dati.”
“Pwede ba kong humiling sa’yo?”
“Ano po yun?”
“Pwede bang ‘wag mo muna siyang pakasalan?” Napangiti siyang muli.
“Bakit naman po?”
“Gusto ko pa kasing makasama ang anak ko.”
“Makakasama niyo pa rin naman po siya kahit kasal na kami e.”
“Iba na kapag kasal na kayo. Syempre mas kailangan niyang ituon ang oras niya sa’yo.”
“Kung yan po ang gusto niyo.”
“Salamat hijo.”
“Wala po yun.” Gusto niya ng sabihin kay Annabelle ang isang bagay na alam niyang ikatutuwa nito ngunit pinigil niya ang sarili dahil yun ang gusto ni Anne.
Kinagabihan ay nagpasya na ring umuwi sina Annabelle. Sumama muna si Anne kay Sam dahil kukunin niya ang ibang gamit sa dating bahay. Naglalakad sila pauwi.
“Iiwan mo na ko.” Mahinang sambit sa kanya ni Sam.
“Ano ka ba! Lilipat lang ako ng bahay. Magkikita pa rin naman tayo.”
“Anne, pano na si…”
“Sa’yo muna siya.” Mabilis niyang sagot, ni ayaw niyang matapos ang pagsasalita ni Sam.
“Bakit kailangan mong pahirapan yung sarili mo ng ganito? Bakit hindi mo na lang sabihin sa kanila na…”
“Sam! Please, ayokong pag-usapan ngayon yan.”
“Kung yan ang gusto mo. Pero sana lagi kang pumunta sa bahay para hindi ka niya hanapin sakin.”
“Araw-araw akong pupunta.” Hindi na siya muli pang sumagot. Kahit na naguguluhan talaga siya’y hindi na niya muli pang tinanong si Anne, kasi ang gusto niya, kung ano ang magpapasaya dito ay yun ang gagawin niya.
Dahil sa usapan nila ni Sam ay biglang nawala ang saya niya. Naalala na naman niya ang sikretong matagal na niyang tinatago. Naawa siya kay Sam pero wala siyang magawa.
“San po galing ‘tong kuwintas?” Tanong niya sa ina habang sila’y kumakain.
“Bigay yan sakin ng Lola mo. Anne kasi ang palayaw ko.”
“Nasan na po siya?”
“Wala na, matagal na siyang patay.”
“Sorry po.” Napangiti si Annabelle.
“Okay lang anak.” Sagot niya at agad naman niyang napansin ang pagkain ni Anne. “Hindi ka ba kumakain ng gulay?”
“Hindi po e.”
“Tuturuan kita, ito kangkong.” Saka niya sinandok ang nasabing gulay. “Come on, open your mouth.” Napangiti naman si Anne.
“Para naman akong bata niyan, Ma.”
“Sige na, tikman mo na ‘to. Masarap ‘to saka dapat kumakain ka ng gulay, masustansya ‘yan.”
“Hindi po talaga ko kumakain niyan e.”
“Tikman mo lang, sige na.” Dahil sa pamimilit ng ina ay pinagbigyan niya na rin ito. Dahan-dahan niyang nginuya ang sinubong gulay nito sa kanya. Naisip niyang masarap naman pala ito kaya napangiti siya. “Ano? Masarap di ba?” Nangingiting tanong nito sa kanya.
“From now on, kakain na po ako ng gulay. Hindi naman po pala ganon kasama yung lasa e.”
“Hindi naman talaga e. Ito, try this one. Saka ito, good for the skin yan.” Isa-isang nilagay ni Annabelle ang lahat ng gulay na nakahain sa lamesa sa pinggan niya at napapangiti na lang siya sa ginagawa nito.
Tinupad ni Annabelle ang sinabi niya sa anak. Buong oras at panahon niya’y binigay niya dito. Lahat ng ginagawa ng isang tipikal na ina sa anak ay ginawa niya kay Anne na labis talagang ikinasaya ng huli.
Nanatili namang secretary ni Lauren si Anne. Ang huli na rin ang may gusto nito dahil gusto niya pa ring matuto. Hindi niya tinanggap ang alok ni James, ang mas mataas na posisyon sa kumpanya nito dahil gusto niyang paghirapan muna ang isang bagay bago siya mapunta sa taas na labis na ikinatuwa sa kanya nito. Tinanggap na rin niya ang alok ni Lisette na paumasok siya sa ballet school. Si Lauren ang nagtuturo sa kanya.
“Wow! Yan ba ang matagal ng hindi nakakapagballet sis?” Sabi ni Lauren matapos niyang ipakita dito ang mga natutunan niya kay Ms. Lucy, labis talaga itong namangha sa kanya. “Yung ibang part na sinayaw mo, honestly speaking, matagal bago ko natutunan yung mga yun knowing na sa kilalang ballet school ako nag-aral ha, e ikaw sa maliit na space ka lang tinuruan ni Auntie Lucy.” Ngumiti lang siya sito. “Your talent is really impressive. Hindi na ko magugulat kung matatalo mo ko someday.”
“Mas magaling ka pa rin. Saka nagpapractice-practice pa din kasi ako ‘pag may time kaya hindi ko nakalimutan yung mga tinuro ni Ms. Lucy.” Saka sila naupo sa lapag.
“Bakit ka pala nahilig sa ballet?” Ngumiti muna si Anne bago sumagot.
“Nung bata kasi ako, lagi kong nakikita si Ms. Lucy na sumasayaw. Hindi ko pa alam nun kung anong tawag sa sayaw na yun, hanggang sa ginaya ko siya. Tapos pinapanood niya pa sakin yung mga videos niya, ang galing niya kaya ako nagkainteres. Niregaluhan niya ko ng ballet shoes at tinuruan ng basic tapos ayun, ito na.”
“So parang si Auntie yung inspirasyon mo? You want to be like her?”
“Oo. Parang gaon. Ikaw? Bakit ka nahilig sa ballet?” Napangiti naman si Lauren sa tanong niya.
“Yung mga ballet dancers, parang sobrang firm nila, alam mo yun kapag nagsayaw na sila, ang galing, parang walang lugar yung pagkakamali sa kanila, perfect. They looked perfect that’s why I want to be like them.”
“Gusto mong maging perfect?”
“Yes. I know that sounds stupid but yea, I want to be perfect.”
“Nothing is perfect, no one is perfect sis.”
“I know. Pero di ba? Nasa satin yun kung pano natin gagawing perfect yung buhay natin, yung sarili natin. And for me, being a ballet dancer is my way to be perfect.” Sa sinabing yun ni Lauren, bigla niyang naalala si Moses, ang mga sinabi nito tungkol dito. “Am I stupid ba?”
“Of course not.”
“E bat natahimik ka?”
“Wala lang.” Saka siya ngumiti sa kapatid dahilan para ngumiti na lang din ito sa kanya.
Matapos siyang turuan ni Lauren ay nagpasama sa kanya ito sa airport.
“Sinong susunduin natin dito?” Tanong niya nang makarating na sila sa loob.
“My best friend. Later you’ll meet her.” Nakangiting sagot sa kanya ni Lauren.
Maya-maya pa’y dumating na rin ang hinihintay nila.
“Bessy!” Sigaw ng isang babae habang papalapit ito sa kanila. Sinalubong naman ito ni Lauren ng yakap.
“Bessy, before anything else, I want you to meet my sister, Anne.” Tinanggal ng babae ang salamin niya at tinignang mabuti si Anne, agad naman siyang nakilala nito.
Paulit-ulit na narinig ni Annabelle ang sagot sa kanya ni Anne. Ang pangalan nito, para yun isang tali na unti-unting humihigpit sa puso niya, hindi siya makahinga. Natulala siya sa mukha nito, naisip niyang kasing edad na nito ang anak na iniwan niya sa harap ng ampunan dati. Napaluha siya at sa ganong ayos siya nadatnan ni Lauren.
“Ma!” Agad namang napansin ni Lauren ang luha ng ina, maging si Anne ay nagtaka rin sa pagluha nito. Inayos naman ni Annabelle ang sarili. “Are you okay?”
“Yea. I’m okay. May naalala lang ako.” Yun ang laging dahilan sa kanya ng ina kaya ngumiti na lang siya dito. Lately, weird talaga ang ikinikilos nito at hindi niya talaga maintindihan kung bakit. Saka niya naalala ang sinabi nito sa kanya nang makita nito ang suot niyang kuwintas.
“Ma, I guess hindi ko na siya dapat ipakilala sa’yo kasi mukhang nakilala mo na siya e.”
“Ha?”
“Yung nagbigay sakin ng necklace na ‘to.” Bumilis na naman ang tibok ng puso ni Annabelle habang si Anne ay labis ng naguguluhan sa pag-uusap ng mag-ina. “Si Anne Ma, siya, yung secretary ko. She gave it to me.”
“Siya.” Pinilit niya munang maging mahinahon. “Hija, pwede ko bang malaman kung san mo nakuha yung kuwintas mo?”
“A-e… Sabi po kasi sakin ni Ms. Lucy, nakita niya ng suot ko yan nung baby pa lang po ako.” Alinlangan siyang sumagot.
Tama ang hinala ni Annabelle nang malaman niya pa lang ang pangalan nito kanina. Muli siyang napaluha, malakas, luha ng isang ina na sabik na sabik sa kanyang anak. Hindi siya makapaniwala, sa tagal ng panahon, sa wakas, natagpuan niya na rin ito. Niyakap niya si Anne, mahigpit.
“Anak ko, ikaw ang anak ko.” Sunod-sunod niyang sambit dito. Labis namang naguguluhan sina Anne at Lauren sa ginagawa niya.
“Ma, anong sinasabi niyo?” Tahimik lang si Anne hanggang sa humiwalay sa kanya si Annabelle, gulong-gulo na siya. “Anak mo si Anne? Pano nangyari yun?”
Niyaya ni Lauren ang dalawa sa opisina niya dahil na rin sa ibang empleyado na nakikiusyuso na sa kanila, pinili niyang dun na lang sila mag-usap. Wala siyang anumang galit na naramdaman sa ina dahil naglihim ito sa kanya. Wala naman sa sariling sumunod na lang sa kanila si Anne.
“Alam ng Papa mo ‘to.” Panimula ni Annabelle habang nakaharap sa dalawa. “Bago niya ko pinakasalan, alam niya na ang bagay na yun. Yung katotohanang nag-iwan ako ng sarili kong anak sa ampunan. Wala akong kakayahan nun and I was only seventeen years old then. Bilang isang dancer sa club, may nagtable sakin, hanggang sa nagising na lang ako na katabi ko na yung walang hiyang yun sa kama. Natakot ako. Pagkatapos nun, hindi ko na ulit siya nakita. Hindi ko alam kung pano kita bubuhayin.” Dumiretso siya ng tingin kay Anne na nag-umpisa na ring maluha. “Wala akong pamilya na tutulong sakin. Sa paglalakad ko, nakakita ako ng isang ampunan at dun kita iniwan. Dalawang lingo pa lang ang nakalipas nung lumabas ka mula sakin pero nagawa na kitang iwan. Maniwala ka anak, napakahirap nun para sakin, hanggang ngayon pinagsisisihan ko pa rin ang araw na yun.” Muling pumatak ang sunod-sunod na luha mula sa kanya, nahihirapan na siyang ipagpatuloy ang pagsasalita. “Bumalik ako sa club. Bumalik ako sa pagsasayaw hanggang sa nakilala ko ang Papa mo.” Muli siyang bumaling ng tingin kay Lauren. “Tinulungan niya kong bumangon, na magsimula ulit. Tinanggap niya ko, ang buhay ko, ang nakaraan ko at minahal niya kung sinuman ako. Nung una pa lang na nakilala ko si Lisette at ang kapatid niyang si Lucy, alam ko na agad na sila ang may-ari ng ampunang pinag-iwanan ko sa’yo.” Muli siyang tumingin kay Anne na lumuluha pa rin, tapos kay Lauren, salitan. “Pero natakot ako dahil walang may ibang alam ng bagay na yun kundi ang Papa mo lang. Natakot akong baka husgahan nila ko at layuan, naging mahina ako. At nung oras naman na handa na ko sa sasabihin nila, na matapang na ko’t kaya na kitang buhayin, dun ka naman nawala. Binenta na ang ampunan at wala na rin ang mga bata dun, akala ko hindi na kita makikita. Nung araw na yun, parang gusto ko ng mawala sa mundo, naisip kong ano pa ang silbi ng buhay ko kung wala ka na, pero ngayon heto ka na sa harap ko, napakalapit mo lang pala sakin.”
Halos hindi makapaniwala si Lauren sa mga narinig niya. Hindi siya makapaniwalang kapatid niya si Anne, kaya pala ganon na lang kagaan ang loob niya dito. Pero sa kabilang bahagi ng utak niya, masaya siya, tanggap niya ang katotohanan at hindi siya galit sa ina.
Isa-isa namang tinanggap ni Anne ang bawat salitang binitawan ni Annabelle, ng kanyang ina. Hindi siya makagalaw, ni hindi niya alam kung anong sasabihin niya, hindi niya alam kung anong nararamdaman niya.
“Patawarin mo ko anak. Mapapatawad mo ba ko?” Saka niya hinawakan ang kamay ni Anne, mahigpit. Hindi naman ito agad nakasagot sa kanya.
“Matagal ko ng tinanggap sa sarili ko na hindi na kita makikita, na hindi na kita makikilala. Ang tagal na panahon kong nasabik na magkaroon ng magulang. Tapos ngayon na hindi na ko umaasa, ngayon ka pa darating? Ngayon ka pa hihingi ng tawad sakin? Para kong aso na iniwan mo na nilagyan mo ng tanda para kapag gusto mo ng balikan, makikilala mo agad.” May diin ang mga hulitang salitang sinambit niya saka niya inalis ang kamay ni Annabelle na nakahawak sa mga kamay niya, tumayo siya saka tumakbo papalabas.
Naiwan naman si Annabelle na lumuluha, niyakap na lang siya ni Lauren.
“Nabigla lang siguro siya Ma.” Sabi niya sa ina habang hinahagod ang likod nito.
Gusto niya lang na tumakbo ng tumakbo. Wala na siyang pakialam sa mga makasalubong at mabangga niya. Basta takbo lang siya ng takbo habang may luha sa mga mata. Ngayon niya naramdaman lahat, lahat ng sakit at galit para sa taong nag-iwan sa kanya. Ang layo na ng narating niya ngunit wala siyang balak na huminto.
Papunta si Sam sa opisina ni Anne para sunduin ito nang sa malayo pa lang ay nakita niya na itong tumatakbo, nagtaka siya kaya sinalubong niya na ito at nang makita siya nito ay agad itong yumakap sa kanya at dun niya nakita ang mga luha nito.
“Anong nangyari?” Iyak lang ng iyak si Anne at nanatili lang itong nakayakap sa kanya.
Nang mahimasmasan si Anne ay sa park siya nito niyaya, sa swing sila dumiretso at naupo.
“Ready ka na bang magkuwento?” Kasabay nun ang pag-abot niya kay Anne ng isang bote ng tubig. Tumango lang naman ito sa kanya matapos nitong inumin ang binigay niya. “Makikinig lang ako dito.” Saka siya ngumiti dito, matagal naman bago ito nagsalita.
“Totoo pala yung sinabi mo. Yung kapag nasa harap ko na siya, dun ko pa lang malalaman kung galit ba ko sa kanya. Nakilala ko na siya Sam.” At nag-umpisa na naman siyang maluha.
Kinuwento niya kay Sam ang lahat ng nalaman niya ng paunti-unti. Habang sinasabi niya naman ang lahat ng yun ay gumagaan na rin ang loob niya.
“Sasabihin ko na lang din yung mga sinabi mo sakin dati.” Lumingon sa kanya si Anne. “Bigyan mo siya ng pagkakataon. Lagi mong sinasabi di ba? Lahat ng tao nagkakamali. Kung hindi ka pa handa na patawarin siya ngayon, okay lang yan. Bigyan mo rin ng panahon yang sarili mo. Lilipas din yan at magiging okay din kayo.” Hindi ito umimik. “Nandito lang ako sa likod mo.” Saka niya hinawakan ang kamay nito at sa wakas, nakita niya na rin na ngumiti ito.
“Akala ko ba ayaw mong kumakain sa fast food?” Takang tanong sa kanya ni Lauren nang yayain niya itong bigla na kumain sa mismong pinagkainan nila ni Anne dati.
“It’s just I’m different now.” Nakangiti niyang sagot dito at saka tuloy-tuloy na siyang pumasok sa loob habang nailing na sumunod ito sa kanya.
Walang oras na hindi nawala sa isip niya si Anne. Simula ng makilala’t iniwan siya nito, ito na ang laging tumatakbo sa utak niya, ang laging hinahanap ng puso niya.
“What the!” Sigaw ni Lauren nang matapunan siya ng softdrinks na dala-dala ng crew habang kumakain na sila.
“S-sorry po Ma’am. Hindi ko po sinasadya.” Nakayukong sabi ng crew sa kanya.
“Hindi ka ba marunong mag-ingat?” Sigaw niya pa rin dito dahilan para pagtinginan na sila ng mga tao.
“Kumuha ka na lang ng tissue. Next time mag-ingat ka na ha?” Mahinahong sabi ni Moses sa crew at agad naman itong sumunod sa utos niya. “Relax! Matutuyo din yan.” Nakangiti niya pang sabi kay Lauren habang naiinis naman itong tumingin sa kanya.
“Ang lagkit kaya! Teka nga, bakit hindi ka nagalit sa crew na yun? Dati naman…”
“Kung nagalit ba ko sa kanya, matutuyo ba yang softdrinks sa damit mo? Hindi naman di ba?” Kasabay nun ang pagbabalik ng crew sa kanila at saka inabot ang tissue na hawak.
“Ito na po Ma’am, sorry po ulit.” Saka ito nahihiyang umalis.
“Stupid!” Pagtukoy ni Lauren sa crew ng makaalis na ito.
“Stop calling them stupid. Ang hirap kaya ng trabaho nila. Besides, nagsorry na sa’yo di ba? Lahat naman ng tao nagkakamali e.” Nakangiti pa rin si Moses.
“You’re so impossible Moe!” Naiiling nitong sagot sa kanya.
“Just learn to understand more at ‘wag magpadala sa init ng ulo.” Saka niya pinagpatuloy ang pagkain at napangiti ng mag-isa habang si Lauren naman ay labis na nagtataka sa mga pinagsasasabi niya.
Isang tao lang ang nasa isip ni Moses habang sinasabi niya ang lahat ng yun kay Lauren, si Anne.
“Sabi mo kanina, may sasabihin ka?” Tanong ni Moses sa kanya dahilan para mawala na ang init ng ulo niya.
“Yea. I’m sure magugulat ka, it’s about Anne.” Bigla namang tumalon ang puso ni Moses nang marinig ang pangalan na binaggit nito.
“What about her?”
“She’s my sister.”
“What?” Gulat na gulat siya. “Is that a joke?”
“Mukha ba kong nagjojoke? Actually, she’s my half sister. Anak siya ni Mama sa pagkadalaga.”
“Do you mean?”
Kinuwento sa kanya ni Lauren ang buong detalye kung bakit nito naging kapatid si Anne. Gulat na gulat siya. Bawat salitang binitawan nito’y halos hindi niya mapaniwalaan at isang bagay lang ang sigurado siya ngayon, yun ay ang tiyak niyang masaya si Anne dahil alam niyang matagal na nitong gusto na makilala ang tunay na magulang.
Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Pinili niyang manatili sa bintana habang nakatingala sa kalangitan. Lumuluha siya, paulit-ulit na pumapasok sa isip niya ang mga nalaman niya kanina. Ang inang matagal niya ng kinasasabikang makita’t makilala ay si Annabelle pala, ang ina ni Lauren na naintindihan niya na kung bakit magaan ang loob niya’y kapatid niya pala. Mga katotohanang matagal niya ng gustong malaman , ngunit ngayon na alam na niya, bakit parang hindi siya masaya?
“It’s raining.” Parang batang excited na sambit ni Moses dahil saktong pagdating nila sa bahay ay biglang bumuhos ang ulan. Napailing lang si Lauren sa kanya at agad na nitong binuksan ang payong para makalabas na sa kotse, si Moses naman ay lumabas na nang hindi siya hinihintay, nang makalabas ito’y nagtatatalon pa sa katuwaan dahil sa ulan.
“Moe! Ano bang ginagawa mo? Mamaya magkasakit ka pa niyan e. Ang lakas-lakas ng ulan o!” Sigaw niya dito ngunit wala itong pakielam sa kanya.
“I’m enjoying the rain.” Saglit itong napahinto sa ginagawa. “Tara!” Yaya niya kay Lauren.
“No way!” Hindi niya na pinansin si Lauren at muli na lang inenjoy ang ulan. Napatingala siya sa langit, napapikit at dinama ang patak ng ulan sa mukha niya. Naalala niya na naman si Anne dahilan para mapangiti siya.
Kitang-kita ni Lauren ang saya ni Moses, ang mga ngiti nitong hindi niya alam ang dahilan. Labis na talaga siyang nagtataka sa mga ikinikilos nito. Simula kasi ng muli siyang makakita, malaki na talaga ang pinagbago nito. Minsan nga’y parang hindi na ito ang Moses na nakilala niya.
Sa pagbuhos ng ulan ay sandali namang tumigil ang pagluha niya. Sandali niyang nakalimutan ang kaninang iniisip at napalitan ito ng isang masayang ala-ala. Isang ala-ala kasama ang isang taong tunay na tinitibok ng puso niya ngayon. Ngunit bigla rin siyang nalungkot nang maisip niya na hindi na niya dapat pa itong alalahanin lalo pa’t naisip din niya ang isang sikretong hindi niya alam kung hanggang kailan niya itatago, sikretong bunga ng ala-alang yun.
“Hindi pa kita nayayakap.” Bungad sa kanya ni Lauren nang pumasok siya sa opisina nito. Sa unang pagkakataon ay nauna ito sa kanya. Bigla naman siyang nahiya nang yakapin siya nito, napaluha siya. “I just want you to know na masaya kong malaman na kapatid kita.” Sabi nito sa kanya nang humiwalay ito sa pagkakayakap, nakangiti pa itong pinunasan ang luha niya. “Alam kong malaki ang kasalanan sa’yo ni Mama pero sana bigyan mo siya ng chance.” Hindi siya makasagot dito at patuloy lang siya sa pagluha.
Matagal bago niya napagdesisyunang kausapin na ang ina. Sa tingin niya’y panahon na rin para mapatawad niya na ito.
“Salamat anak. Salamat kasi pumayag ka ng makipagkita sakin ngayon.” Masayang-masaya si Annabelle dahil kasamang dumating ni Lauren si Anne sa restaurant.
“So I guess iwan ko muna kayo ni Anne, Ma.” Ngumiti lang sa kanya ang ina at saka siya tuluyang umalis.
Nakatitig lang siya sa anak habang hindi naman ito makatingin ng diretso sa kanya. Ang tagal ng katahimikan sa pagitan nila bago niya piniling magsalita.
“May gusto ka bang kainin?”
“Nasan na siya?” Tanong ni Anne kay Annabelle. “Makikilala ko pa ba kung sino yung Tatay ko?”
“Hindi ko siya kilala. Kahit pangalan niya, hindi ko alam. Nakakatawa kasi kahit yung mukha niya hindi ko na matandaan. Sinamantala niya yung kahinaan ko nun, may nilagay siya sa iniinom ko kaya bigla na lang akong nahilo. Hindi na rin naman importanteng makilala mo siya.” Galit na sagot niya.
“Bakit ang tagal bago mo naisipang balikan ako? Hindi ba sapat yung kinikita mo sa pagiging dancer sa club para buhayin ako? Anak mo ko, pero bakit mo ko pinabayaan?” Hindi na napigilan ni Anne ang maluha at yun ang dahilan kung bakit naluha na rin ang ina, hinawakan nito ang kamay niya.
“Naging mahina ako. Hindi ko alam kung ano yung gagawin ko nung mga oras na yun. Nalilito ako, naguguluhan.”
“Kaya pinili mo na lang na iwan ako?”
“Patawarin mo ko. Lahat gagawin ko para mapatawad mo lang ako. Hindi mo alam kung gano ko pinagsisisihan ang pag-iwan ko sa’yo. Walang araw na hindi kita naisip. Bawat araw, inaalala ko kung maayos ba ang lagay mo, kung nakakain ka na ba, kapag birthday mo, May seventeen ang birthday mo anak, lagi akong nananalangin na sana maging masaya ka kahit wala ako sa tabi mo, na sana ‘wag kang magkasakit, gusto kitang alagaan, maniwala ka, ginusto kong pagmasdan ka habang lumalaki pero napakahina ko. Patawarin mo ko anak, patawarin mo ko.”
“I used to celebrate my birthday every first day of June. Yun kasi yung araw na nakita ako nila Ms. Lucy sa labas ng ampunan. Now, after twenty five years, mag-iiba na lang bigla yung araw ng birthday celebration ko. Bawat oras, bawat araw na lumipas, wala akong ibang pinanalangin kundi ang makita ka, ang makilala ka. Sabik na sabik ako pero habang tumatagal, nawalan na ko ng pag-asa.”
“Hayaan mo kong bumawi. Hayaan mo kong punan ang lahat ng pagkukulang ko sa’yo.”
“Kulang po ang isang araw, ang isang lingo, ang isang buwan at ang isang taon.” Pinunasan ni Anne ang luha niya saka siya ngumiti sa ina.
“Oras-oras at bawat minuto, bawat sandali ng buhay ko, ilalaan ko lang sa’yo.” Ngayon niya lang nakita ang anak na ngumiti sa kanya, ang saya niya. “Pwede ba kong humiling sa’yo anak?”
“Ano po?”
“Pwede ko bang marinig na tawagin mo kong Mama?” Ngumiti muna si Anne bago niya pinagbigyan ang ina.
“Mama.” Saka siya niyakap ni Annabelle at parehas silang may ngiti sa mga labi.
Nagising si Anne dahil sa bigat na naramdaman niya sa tiyan. Pagdilat niya’y nakita niya si Moses na nakayakap pala sa kanya. Tulog na tulog pa ito. Saka niya naalala ang nangyari sa kanila kanina. Nabahala siya, kinabahan at natakot. Naisip niyang isang malaking pagkakamali ang ginawa nila pero hindi niya maintindihan, hindi siya nagsisisi sa nangyari. Agad niyang inalis ang kamay nito sa tiyan niya at mabilis ng bumangon. Hindi naman ito nagising sa ginawa niya at nag-iba lang ng pwesto. Mabilis niyang inayos ang sarili at kinuha na ang mga gamit. Sinigurado niyang wala siyang naiwan. Bago siya lumabas ay tinignan niya muna si Moses na malalim pa rin ang tulog, pagkatapos nun ay tuluyan na siyang lumabas.
He’s awake and he’s looking for you.
Isang text ang natanggap niya mula sa nurse na nagbabantay kay Sam dahilan para mas lalo niyang bilisan ang paglalakad. Pasakay na siya ng elevator nang mabangga niya ang isang ginang.
“Sorry po.”
“Okay lang.” Nakangiti ito sa kanya saka niya naalala ang babaeng kasama ni Moses sa picture.
Kumakapa-kapa pa si Moses sa kama at napadilat siya nang maisip niyang wala na si Anne sa tabi niya. Agad naman siyang napabangon nang masigurado niyang wala na nga ito, nalungkot siya.
“Nasan na yun?” Bulong niya sa sarili saka siya lumabas ng kuwarto at nakita niyang pumasok ang Mama niya.
“Son!” Yumakap ito sa kanya ngunit si Anne pa rin ang nasa isip niya. “Bakit ganyan yang mukha mo?”
“What are you doing here?”
“I’ve good news that will surely make you smile.”
“What?”
“May eye donor na si Lauren.” Hindi naman nagbago ang mukha ni Moses. “Hindi ka masaya? Yun yung matagal mo ng hinihintay di ba?”
“Yea.” Pinilit niyang ngumiti. “I am happy.”
Isang mahigpit na yakap ang binigay sa kanya ni Sam nang lapitan niya ito.
“Sorry.” Bulong niya at humiwalay naman ito sa pagkakayakap sa kanya.
“Para san?”
“Wala ako dito nung nagising ka.” Napangiti si Sam.
“Masaya na ko kasi nandito ka na.” At muli niyang niyakap si Anne saka siya may biglang naalala. “Si Tatay, magaling na ba siya?” Isang malungkot na mukha ang nakita niya mula kay Anne saka ito umiling.
“Wala na siya, Sam. Hindi mo na siya naabutan. I’m so sorry.” Kasabay nun ang pagluha nito. Nalungkot siya, nanghina dahil wala na ang Tatay niya. Napaluha na din siya dahilan para yakapin siyang muli ni Anne.
Nagbago ang mukha ni Moses nang maalala niyang baka nasa ospital din si Anne. Nasabik siyang makita ito kaya imbis na sa kuwarto ni Lauren ang tungo niya’y dumiretso siya sa nurse station para ipagtanong si Anne.
“San ka pupunta?” Tanong ni Lisette sa anak.
“May hahanapin lang ako Ma, susunod na lang po ako dun.” Huli na ng makapagsalita siyang muli dahil tumakbo na si Moses papalayo. Naiwan naman siyang nagtataka dahil sa ikinilos ng anak.
“Sir, okay lang kayo?” Tanong ng nurse sa kanya.
“Si Anne. Nasan si Anne?” Hingal niyang tanong.
“Ay Sir, huli ka na. Nilipat na sa Manila yung boyfriend niya. Nagising na kasi kanina and sabi ng Doctor, mas madami daw kasing facilities sa mga hospital sa Manila.” Nalungkot siya sa narinig, nanghina.
“Alam mo ba kung sang hospital nilipat?”
“Hindi Sir e.”
“Alam mo ba kung san siya nakatira?”
“Ay Sir hindi kami pwedeng magbigay ng ganyang information.”
“Kaibigan niya ko, alam mo yan!”
“Sir sorry pero hindi kasi talaga pwede. Sige Sir may gagawin pa ko e.” Tuluyan ng umalis ang nurse sa harap niya. Gusto niyang makita si Anne pero hindi niya alam kung san niya uumpisahang maghanap.
PRESENT…
“Nagpunta ko sa terrace, sa waiting area, sa canteen pati sa park, sa swing. Umasa kong makikita kita dun pero wala, ni anino mo hindi ko na nakita. You left nothing on me but our memories.” Pinigil ni Anne ang maluha dahil sa narinig. “Nung nagising ako nun at wala ka na sa tabi ko, mahal na kita, hanggang ngayon Anne, hanggang ngayon.”
“That night was a mistake. Hindi dapat natin ginawa yun.” Hindi niya na napigilan pa ang maluha.
“Babe!” Agad namang inayos ni Anne ang sarili nang biglang dumating si Lauren. “Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap e. Anne!” Baling niya dito. “Babe, siya yung kinukwento ko sa’yo na bago kong secretary. Di ba nagresign na si Rachelle? Last week lang siya nahire. Di ba Anne?” Tumango lang ito sa kanya. “Anne, boyfriend ko pala si Moses.” Sabay kapit ni Lauren sa braso ni Moses at pinilit namang maging casual ni Anne at ngumiti na lang. “Magkakilala pala kayo ni Auntie Lucy?”
“O-oo. Sa ampunan niya ko lumaki.” Nagulat si Moses.
“Oh!” Kasabay naman nun ang biglang paglapit ni Sam sa kanila.
“Tara na. Uwi na tayo.” Sabi nito kay Anne.
“Siya ba yung boyfriend mo?” Biglang tanong ni Moses kay Anne at tumango naman siya dito.
“Si Moses and her girlfriend, si Lauren.” Pagpapakilala niya kay Sam sa dalawa at si Lauren lang ang todong ngumiti sa kanya.
“Moses? Yung kinukwento mong nakilala mo sa hospital dati?” Hindi alam ni Anne ang gagawin niya sa sinabi ni Sam, nataranta siya.
“Kinukwento mo ko?” Napangiti si Moses.
“Babe siya yun?” Tukoy ni Lauren kay Anne.
“Yea. Siya yung kinukwento ko sayong nakilala’t nakasama ko sa hospital.”
“Wow! What a small world.” Si Lauren.
Unang araw niya sa trabaho. Kinakabahan siya hindi dahil sa isang malaking kumpanya siya pumapasok kundi dahil girlfriend ni Moses ang amo niya, si Lauren.
“Hi Anne!” Masiglang bati nito sa kanya.
“Good morning Ma’am.” Napatigil naman ito sa paglalakad.
“Ma’am?” Nalito si Anne.
“Kasi boss kita?” Napangiti naman si Lauren.
“Lauren na lang. Ang lakas kasi makatanda ng Ma’am e. Besides, hindi ka na naman iba sakin.”
“Pero…”
“Wala ng pero. Sige ka, I’m gonna fire you ‘pag di mo ko sinunod.” Napangiti na rin siya.
“Sige Ma’am este Lauren.” Ngumiti muna ito sa kanya saka ito tuluyan ng tumungo sa sariling opisina.
Magaan ang loob ni Lauren kay Anne, bagay na hindi niya alam kung bakit. Una pa lang niya itong nakilala, maganda na ang impresyon niya dito. Tingin niya’y magkakasundo sila.
“Naayos ko na yung schedule mo and you have an early meeting tommorrow.” Nakatingin lang sa kanya si Lauren na labis niyang pinagtaka. “Bakit?”
“Ang ganda kasi ng necklace mo e and Anne was my second name kasi.” Ngumiti lang si Anne sa kanya dahil matagal na nitong alam ang bagay na yun.
“Here.” Hinubad ni Anne ang kuwintas at binigay niya ito kay Lauren.
“You mean?”
“Sa’yo na lang.”
“What?”
“Ayaw mo?” Pag-aalala niya.
“I mean baka magalit yung nagbigay sa’yo?”
“Hindi ko nga alam kung sino nagbigay niyan sakin e.”
“Ha?”
“Basta, sa’yo na lang. Akin na nga.” Kinuha niya ito ulit kay Lauren at siya na ang nagsuot nito dito.
“See, bagay sa’yo.”
“Thanks Anne.” Saka ito yumakap sa kanya.
Bilang amo, mabait sa kanya si Lauren. Hindi ito masungit at matapobre katulad ng isang tipikal na mayaman. Magaan ang loob niya dito kaya hindi siya nag-alinlangan na ibigay dito ang bagay na tanging ala-ala niya sa tunay niyang pinagmulan.
“Bakit suot mo ‘yan?” Napansin agad ni Moses ang suot na kuwintas ni Lauren habang sila’y kumakain. Hindi siya pwedeng magkamali, kay Anne ang kuwintas na yun.
“Anne gave it to me.”
“Bakit daw?”
“I don’t know. Nagulat nga ako e, nagandahan lang ako then binigay na niya.” Nagtataka pa rin si Moses kung bakit nga kaya binigay ni Anne ang kuwintas nito kay Lauren.
Sa iisang bahay na tumutuloy sina Sam at Anne, sa dating bahay ni Rod.
“Bakit mo binigay?” Tanong ni Sam sa kanya nang agad nitong mapansin na hindi niya na suot ang kuwintas.
“She liked it kaya binigay ko. Ang bait sakin nung tao kaya gusto kong bumawi.”
“So you think by giving it to her, nakabawi ka na?” Tumango lang siya kay Sam. “Yun na lang yung ala-ala mo sa tunay mong magulang di ba? Pano ka na nila makikilala ngayong wala na sa’yo yung kuwintas?”
“You think hanggang ngayon hinahanap nila ko?”
“Malay mo.”
“It’s been twenty five years Sam. Twenty five years!”
“Kaya ngayon ka pa nawalan ng pag-asa?”
“Sa lahat ng taong kilala ko, ikaw lang yung nagsasabi sakin lagi na hindi ko na sila makikita. Tapos ngayon, sasabihin mo sakin yang pag-a-pag-asa na yan?”
“Sinasabi ko lang naman. Bakit ang init ng ulo mo?”
“Ever since, lagi kong iniisip na hinahanap nga nila ko, na babalikan nila ko sa ampunan katulad ng laging sinasabi sakin ni Ms. Lucy. Pero ngayon? Nagbago na yun. Gusto ko na silang kalimutan. Kaya ko binigay yung kuwintas na yun kasi ayoko na silang isipin. Ayoko ng isipin na babalik sila, na makikita ko pa sila.” Saka siya napaluha at saka naman siya niyakap ni Sam.
“If that’s make you happy.” Bulong niya kay Anne.
Simula nang binigay sa kanya ni Anne ang kuwintas nito ay hindi na niya ito hinubad. Kahit san siya magpunta at kahit sa pagtulog ay lagi niya itong suot.
“Anak, I’m glad you’re here.” Saka yumakap sa kanya ang ina nang umuwi siya sa bahay nila.
“Ma, di ba dapat ako magsabi niyan sa’yo? Lagi kang out-of-town e.”
“Pano ba makakabawi sa’yo si Mama?” Napaisip si Lauren.
“Alam ko na!”
“Uhm?”
“Let’s go out for dinner.”
“Sure.” Nakangiting sagot sa kanya ng ina saka nito napansin ang suot niyang kuwintas. Gulat na gulat ito at halos mangiyak-ngiyak na at labis niyang pinagtaka kung bakit ganon na lang ang naging reaction nito.
“Ma, are you okay?” Saka hinawakan ni Annabelle ang suot na kuwintas ng anak. Hindi niya na napigilan pa ang pagluha. “Ma, what happened? I don’t understand.” Patuloy pa rin ito sa pagluha na para bang hindi siya nito naririnig.
“Where did you get this?”
“A friend gave it to me.” Nalilito niyang sagot sa ina.
Halos manghina si Annabelle nang makita niya ang sariling kuwintas. Ang kuwintas na sinuot niya sa sariling anak nang iwan niya ito sa harap ng ampunan. Naalala na naman niyang muli ang pagkakamaling yun. Nagtaka siya, bakit suot na ito ni Lauren ngayon?
“Anne!” Naisipang pumunta ni Moses sa opisina ni Lauren ngunit hindi ito ang sadya niya. Nakita niya si Anne sa harap ng elevator kaya agad niya itong tinawag.
“Nasa meeting pa si Lauren e.” Saka siya tumingin sa suot na relo. “Fifteen minutes na lang tapos na yun. You can wait sa office niya. I’m sure alam mo na yun di ba?” Casual niyang sabi kay Moses at napangiti naman ito sa kanya.
“Kung kausapin mo ko, parang wala tayong pinagsamahan.” Kasabay nun ang pagbukas ng elevator at agad na sumakay dito si Anne nang hindi tumitingin sa kanya saka nito pinindot ang button para sumara na ang elevator. Nakatingin lang siya kay Anne na nakayuko hanggang sa magsara ito ngunit hindi niya hinayaang mangyari yun, hinarang niya dito ang kamay niya dahilan para ito’y bumukas ulit saka siya pumasok sa loob at sila lang ang sakay nito. “Why you seem so cold?” Saka na tuluyang sumara ang elevator at hindi pa rin siya tinitignan ni Anne.
“It’s better if we’re like this.”
“Hindi mo ba napapansin? Anne, ang liit ng mundo para satin. Pinagtatagpo talaga tayo.”
“That’s why I’m avoiding you.”
“Hindi kita maintindihan. May nagawa ba kong mali? May nasabi ba kong hindi mo nagustuhan? Sabihin mo para maintindihan ko kung bakit ka ganyan sakin.” Hindi na nakasagot si Anne sa kanya dahil bumukas na ang elevator at kasabay nun ang pagpasok ng maraming tao sa loob dahilan para mauna si Anne sa paglabas at maiwan siya sa loob. Agad naman niya itong hinabol. “Please, kausapin mo naman ako o.” Hinarap niya si Anne sa kanya at nakita naman nito ang lungkot sa mukha niya, hindi ito makatingin ng matagal.
“Ano bang gusto mong sabihin ko sa’yo? Gusto mo bang sabihin ko na hindi na tayo pwede?” Saka siya muling tumalikod kay Moses at nagsimula ng maglakad ngunit bigla ulit itong nagsalita.
“What if.” Napahinto si Anne. “What if sumama ako kay Auntie Lucy dati at nakilala kita?” Humarap siyang muli dito, nagulat siya ngunit nainitindihan niya agad ang sinabi nito. “What if hindi ko nakilala si Lauren at hindi mo rin nakilala si Sam? What if tayo yung unang nagkakilala? Naging tayo kaya?”
“Pero hindi yun yung nangyari. Ito na tayo ngayon Moses. Wala na tayong magagawa. ‘Wag na nating ipilit.” Maraming dumadaan sa paligid nila ngunit para sa kanila, sila lang ang nag-eexist.
“Tayo na lang Anne.” Pakiusap sa kanya ni Moses.
“Sana nga ganon na lang kadali yun no? Na kapag sinabi mong tayo na lang, magiging tayo talaga. Kaso hindi e, hindi yun ganon kadali.”
“Bakita kailangan nating pahirapan yung mga sarili natin? Mahal kita at alam kong mahal mo rin ako.”
“Pano mo nasabing mahal kita?”
“I can see it in your eyes. Hindi mo na kailangang sabihin kasi nararamdaman ko naman.”
“How can you be so sure?”
“That night. Yung nangyari satin, pareho nating gusto yun. Alam kong…”
“Can you please just stop bringing up that night? Ayoko ng maalala yun kasi matagal ko ng kinalimutan yun!” Sigaw ni Anne sa kanya.
“Bakit ang dali na lang para sa’yong kalimutan yun?” Tumalikod itong muli sa kanya.
“Kasi hindi kita mahal.” Mahinang sagot niya at pinigilan niyang ‘wag maluha.
“I’ll make you mine Anne. I will make you mine!” Pagbabanta niya dito saka naman ito tuluyang umalis habang umiiyak. Pinagmasdan niya lang ito hanggang sa tuluyan itong mawala sa paningin niya.
Simula ng umalis siya ng opisina hanggang sa bumalik siya dito’y hindi nawala sa isip niya ang pag-uusap nila ni Moses kanina. Nahihirapan talaga siya sa tuwing nakikita niya ito. Hindi siya makakilos at makahinga ng normal. Hanggang ngayon ay hindi niya makalimutan ang nangyari sa kanila, ang tunay na nararamdaman niya para dito, bagay na matagal niya ng tinatago sa sarili niya, na hindi niya maamin kahit kanino, kahit kay Moses. Nahihirapan na talaga siya ngunit ito ang alam niyang tama, ang magtago, ang magsinungaling.
Wala siya sa sariling nakaupo sa harap ng desk niya.
“Miss, is my daughter there in her office now?” Tanong ni Annabelle kay Anne ngunit tila hindi siya narinig nito. “Miss.” Saka niya hinawakan ang balikat nito dahilan para ito’y mabilis na mapatayo.
“Ma’am, sorry. You’re saying po?” Tarantang tanong ni Anne sa kanya kaya siya napangiti.
“Si Lauren, nandiyan ba siya? By the way, I’m her mom.” Nag-offer siya ng shake hands dito at agad naman itong inabot ni Anne.
“Sorry po ha. Nasa meeting pa po kasi siya pero matatapos na din po yun. Kung gusto niyo po, sa office na lang po niya kayo maghintay. May gusto po ba kayong inumin? Coffee po?” Taranta pa rin siya kaya hindi rin mawala ang ngiti ni Annabelle.
“Okay lang ako. Anyway, you are?”
“I’m your daughter’s secretary po and I’m Anne.” Nakangiting sagot niya at natulala naman sa kanya ang kaharap. Bumilis ang tibok ng puso ni Annabelle. Napakacommon ng pangalang binaggit nito ngunit ito ang pangalang kinasasabikan niyang marinig.
“I’m sorry. What’s your name again?”
“Anne po.”
With her very very very special guest! Huuugs <3
Forever reblog! ^__^
Nasaksihan ko ito :”“”“”“”“”“”“”“”“>
Sir, gano kahigpit? Syet! Kainggit yung mga nasa harap! Hahaha KILIGGGGGGGGGGGGGGGGGGG! :”“”“”“”“”>
(Source: everythingemja, via julielmoftw)
Anonymous asked: ay daya,dapat detailed ang what happened that night
hahaha! mahirap ielaborate. try ko next time. ;)